Katulad nga nuong sinabi ko, inulit kong basahin yung mga librong hindi ko natapos nuong nakaraang taon. Nov. 30 ko ito unang idinagdag sa Goodreads account ko at binasa. Paputol putol ko halos pinilit tapusin ang libro. Dec. 11 nuong nahinto ako sa pagbabasa nito dahil tinamad ako at mas piniling basahin ang ibang libro. Medyo nagkakasabay at nagtambak at naging abala nuong pasko kaya mas lalong hindi ko na nabasa.
Siguro, natuon nalang ulit ang atensyon ko sa librong ito nuong nalunod ito sa baha sa second floor nung bahay namin. Naiwan kasing bukas yung gripo sa C.R kaya umapaw at nagdulot ng halos hanggang talampakan na baha. At sa kasamaang palad, naiwan sa sahig ang librong ito at nalunod. Ilang araw ko syang binilad sa araw at pinatungan ng mabigat na bagay para muling umayos.
Sa kabilang banda, may mga pagkakataong nakakatulugan ko ang pagbabasa sa librong ito. May mga pagkakataong hindi ako makahabol sa kwento. May mga pagkakataong may mga eksenang para sa akin ay pwede namang wala. Ganyan ko natapos ang pagbabasa sa librong ito.
Masyadong marami ang tauhan para sa akin. Ako kasi yung tipo ng mambabasa na nagugulumihanan pag marami na ang sangkot sa kwento idadagdag mo pa ang pahirap sa pagbib…
Rating: 2/5
Ricky Lee. (Si Amapola sa 65 na Kabanata)
(Source: langawsaibabawngtae)
Ricky Lee. (Si Amapola sa 65 na Kabanata)
(Source: langawsaibabawngtae)
Ricky Lee, (Si Amapola sa 65 na Kabanata)
(Source: langawsaibabawngtae)








