02
03
2012
Issues?
Susme:
- nag-iimport na pala tayo ng galunggong sa ibang bansa?
- hindi pa daw nagagalaw ang milyong pondong nakalaan para sa pabahay sa mga nabiktima ng bagyong sendong?
- lalo pang tumaas ang bilang ng mga nagugutom lalo na sa mga nabagyo ni sendong?
- hindi daw patatalsikin sa pwesto sa Sec. Llamas kahit na nakita syang bumibili at lumalabag mismo sa batas?
- tapos sinabi daw ni Pnoy na ”that’s not our priority.”?
- eh ano nalang kayang mararamdaman ni Ronnie Ricketts na nagpapawis araw-araw sa pangreraid?
- eh diba under ng office of the president ang optical media board?
- araw-araw nalang napapahiya ang prosecution, na kumakatawan sa sambayan, sa impeachment trial?
- tapos sarili nilang testigo pagdududahan nila?
- kaya tuloy si Atty: Cuevas nagkakape nalang?
- bakit kaya hindi muna magbreak ang session para naman makapagpulong pulong ang prosecution?
- kawawa kasi sila e?
- malamang, not guilty pa ang mahatol kay Corona nyan?
- pero sana kung ganun man eh umalis nalang din sya sa pwesto kasi nadungisan na yung pangalan nya eh?
- syempre bilang ang kahuli-hulihang maghuhusga sa may sala eh dapat wala syang bahid dumi?
- at higit sa lahat, nililigawan na pala ni Pnoy si Grace Lee?
- Hindi naman ako against dun?
- pero, wala sa timing eh?
- alam kong karapatan ng lahat ang umibig?
- pero bilang isang presidente dapat yun na yung pinakaleast mong dapat intindihin?
- hay nako, sino ba kasi ang binoto mo?
(Source: marxvaliant)







